"That woman is so obsessed with him," anas ni Malea pagpasok nila sa loob ng bahay ni Elyan. "Akalain niyo! Nagawa niyang bantaan si Professor Yugi at hindi lang 'yon, kung hindi lang siya hinarang ay paniguradong pati ikaw ay damay sa galit niya." "But what's up with that?" taas-kilay na sambit ni Jessica. "Anong meron at bigla ka nalang ipinagtanggol ni Professor Yugi kanina mula sa doon sa baliw niyang ex? What does that even mean?" Natigilan sina Malea at Lorea sa narinig na iyon mula kay Jessica. Maya-maya ay agad na nanlaki ang kanilang mga mata at kinikilig na binalingan ng tingin si Elyan. Malea spoke. "Hindi kaya… something was going on that only both of them knew? Siguro kaya galit na galit si Vivian at kulang na lang ay sugurin ka ay dahil…" Pagak na natawa si Elyan at pabag

