Chapter 7 The Acquaintance Party

1585 Words
"I'm not going to wear that!" nakabusangot na anas ni Elyan. "At wala akong pakialam kahit pa magulang ko ang may gusto na isuot ko 'yan. It looks hideous!" Agad na nag-angat ng tingin si Yugi mula sa binabasa niyang magazine. Sa narinig na iyon mula kay Elyan ay tumaas ang kanyang dalawang kilay at hindi nagtagal ay ibinaba ang hawak niya sa coffee table. "And when do my parents decide what I'm going to wear?" Binalingan nito ng tingin si Yugi. "Kilala ko ang mga magulang ko. In fact, they love seeing me wear lovely dresses. Let me guess, was it you? Ikaw ba ang pumili ng damit na 'yan?" He let out a deep sigh. "Yes." Pagak itong natawa sabay tayo sa kinauupuan nito. Tumayo rin si Yugi at napahalukipkip na hinarap ang dalaga. Sa katunayan ay inaasahan niya na mangyayari ang ganitong eksena sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. He knows how much she loves wearing dresses. Bukod pa roon ay fashionista ito. Sino ba naman ang hindi magiging fashionista kung kaya naman nitong bumili ng gusto nitong damit? Besides, she deserves to be one. Ayaw niyang maging hadlang sa kung ano man ang gusto nitong isuot. Pero ano nalang ang mangyayari sa oras na makita niya itong nagsuot ng damit na alam niyang magiging dahilan ng kanyang kahinaan? "Ibalik mo ang lahat ng damit na 'yan!" Utos niya sa kaharap niyang maid. "I'm not wearing garbage! Besides, hindi ko bagay ang mga 'yan. Tawagan mo ang stylist ko, she knows what I want." "You have a stylist?" Namilog ang mga matang anas ni Yugi. She smirked. "Of course! Ako pa ba? I'm sure kapag nakita niya 'tong mga pinili mong damit ay baka ipasunog niya pa 'yan." Muli ay umupo siya sa kanyang pwesto. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya kasunod niyon ay napakamot siya sa kanyang batok. He looked at her. "For your information, hindi ako ang pumili ng mga damit na 'yan! Ano bang alam ko dyan?" "Then who? Wag mong sabihin na ang-" "It's my sister," putol niya. "Nagkita kami noong nakaraang araw. She suggested to me those dresses and she's certain na bagay sa 'yo ang mga 'yan." Hindi umimik si Elyan bagkus ay agad nitong tinapunan ng tingin ang mga dress na hawak ng maid. Akmang bibitbitin na ng maid ang mga iyon ay natigil ito nang agad niya itong hinawakan sa braso. She turned to Yugi. "Your sister?" "Yes," mabilis niyang sagot. Pagak siyang natawa. "No offense pero bakit magsa-suggest siya ng mga ganitong klaseng damit? Hindi naman sa sinasabihan ko siyang boring or cheap. But these dresses are hideous!" "Excuse me?" nakangising anas ni Yugi. "I don't care kung sino man ang ipinagmamayabang mong stylist. Pero nasisigurado ko na di-hamak naman na mas magaling sa kanya ang ate ko." "Bakit? Sino ba 'yang kapatid mo? Is she well-known? Is she-" "She's known as Nicole Atasha," mabilis niyang putol sa sasabihin ng dalaga. "Kung totoo nga na may alam ka pagdating sa fashion industry, kilala mo kung sino siya." "The designer?" Namilog ang mga mata nito. Bago pa man makasagot si Yugi ay natigil siya nang agad na umupo sa kanyang tabi ang dalaga. Nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito habang kumikislap naman sa tuwa ang mga mata nito. Bahagyang nagbaba ng tingin si Yugi sa kamay nito nang hawakan nito ang kanyang braso. "Nicole Atasha? She's your sister? Hindi ka nagbibiro? Totoo nga?" "Why would I even lie about it?" aniya at nag-iwas ng tingin. Sa sinabi niyang iyon ay mas lalong umusog si Elyan sa kanyang tabi habang ang mga kamay nito ay nananatiling nakakapit sa kanyang braso. "I'm her fan!" kinikilig nitong sambit. "I love her designs. In fact, I love everything about her. Pinanood ko pa nga ang presscon niya noong nakaraang araw." "Really?" Naningkit ang mga mata ng binata. "Mukha namang hindi. Dahil sa paraan kung paano mo ituring ang mga damit niya..." "No!" mabilis nitong tanggi. Binalingan nito ng tingin ang maid. "Don't call Shantal. Those dresses are enough para pagpilian ko sa isusuot ko ngayong gabi. Take them to my room." "Yes ma'am," sagot ng maid at nagpatulong sa isa pang maid upang bitbitin ang mga dress. Matapos ang mga sandaling iyon ay tumayo na rin mula sa kanyang tabi ang dalaga. Agad siyang nakahinga ng maluwag at tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib. As much as possible, ayaw niyang nagdidikit sila ng dalaga. It's a torture for him. "Go to your room at mag-ayos ka na ng sarili mo," aniya at tumayo sa kanyang kinauupuan. "Just send me a message if you're finished. Babalikan kita rito. Except if you have a date..." She shook her head. "I don't have anyone. Just come back here after one hour and thirty minutes." Nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay. "Ganon katagal?" "Well, kailangan kong maging maganda ngayong gabi." Tawa niya. "I aim to get the title Ms. Acquaintance." Tumango na lamang si Yugi bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ng dalaga. Hindi kalaunan ay nilisan na rin ni Elyan ang living room at nagtungo na sa kanyang kwarto sa second floor. Sa kabilang banda naman ay naiwan doon si Yugi na hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa dalaga. As she's finally inside of her room, nagpasya na rin si Yugi na umuwi upang makapag-ayos na rin ng kanyang sarili para sa event mamaya. Right before he even stepped out of the gate, natigil siya nang bumungad sa kanyang harapan si Aki. May hawak itong suit bag habang nakaguhit ang nakakalokong-ngiti sa mga labi nito. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo niyang tanong. "Aray naman!" Napahawak ito sa kanyang dibdib na para bang nasaktan. "Dinala ko na nga rito ang damit mo para hindi ka na mag-abalang umuwi, ganyan mo pa 'ko kung tratuhin." "Sino ba kasing may sabi na dalhin mo ang damit ko rito?" napameywang niyang tugon. Hindi ito sumagot. Bagkus ay pumasok ito sa loob ng courtyard ng mga Marquez at nilapitan si Yugi. Inilabas nito ang cellphone nito mula sa bulsa nito at hindi nagtagal ay iniabot nito sa kanya iyon. Mula roon ay nakita niya ang ilan sa kanyang mga litrato kung saan ay kasama niya ang kanyang kapatid na si Nicole. Nakayakap ito sa kanyang braso habang pareho silang nakangiti sa mga sandaling iyon. Ngunit natigil siya nang makita niya ang caption na nakasulat sa itaas ng larawang iyon. (Is this Professor Yugi's girlfriend?) Namilog ang kanyang mga mata sa mga sandaling iyon at hindi kalaunan ay nag-angat ng tingin kay Aki. "Hindi ka nagkakamali ng nakikita." Hagalpak nito. "Nabigla nga ako nang mabasa ko 'yang caption. Wala na talagang magawang matino ang mga estudyante sa University niyo kundi ang abangan ang tungkol sa love life mo!" Napahilamos siya sa kanyang mukha at natawa nalang sa mga sandaling iyon. "You have to settle that or else baka lumala pa ang issue na 'yan," anas ni Aki sabay tapik sa kanyang balikat. Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong suit bag at agad na rin siyang tinalikuran. Sa paghakbang nito palabas ng gate ay muli siya nitong hinarap. "I guess, you should talk to Ms. Elyan," pagpapatuloy nito. "Siya lang ang may kayang pumutol ng tungkol sa usaping 'yan. You know how well-known she is on campus, right?" Hindi sumagot si Yugi bagkus ay nginitian at tinanguan lamang niya si Aki bilang pagsang-ayon sa suhestiyon nito. Matapos ang usapang iyon ay muli siyang bumalik sa loob ng bahay ng mga Marquez. Doon niya na napagpasyahang magpalipas ng oras sa paghihintay kay Elyan. Sa kalagitnaan ng kanyang pananahimik ay muli niyang naalala ang napag-usapan nila ng kaibigan. Napahilamos siya sa kanyang mukha. "How am I supposed to ask Elyan for some help?" aniya sa kanyang sarili. "Pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya pero pilit din akong inilalapit ng pagkakataon sa kanya." Makalipas ang mahigit isang oras ay tuluyan na ring natapos ang paghihintay ni Yugi sa dalaga. Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang couch at tinapunan ng tingin si Elyan na pababa na ng hagdan. Hindi man niya ipahalata ngunit alam niya sa kanyang sarili na nabighani siya sa taglay nitong kagandahan. She's wearing a red dress - the latest design of his sister and Nicole's first choice for Elyan to wear. Sakto lamang iyon sa dalaga at ang nagustuhan niya roon ay hindi masyadong nakalabas ang cleavage nito. "How do I look?" bungad nitong tanong sa kanya. "This is exactly the dress na noong nakaraang buwan ko pa gustong bilhin." Pagak siyang natawa. "Really? Base sa natatandaan ko kanina ay halos ayaw mong-" "Just shut up!" iritable nitong anas. "I was wrong, okay? I'm sorry!" "And I accept your apology," aniya habang suot ang tila ba ngiting tagumpay. "Anyway, let's go. Magsisimula na ang event at hinahanap na rin ako ng mga kasamahan ko." "Please! Maaga pa, Professor Yugi," nakabusangot niyang anas. "We still have time. Masyado kang nagmamadali. Susunduin mo pa siguro ang girlfriend mo 'no? If you want, just go, kaya ko naman ang sarili ko." Nahinto siya sa paglalakad. Right before he even responded, tinapunan niya ng tingin ang dalaga at hindi kalaunan ay humugot ng isang malalim na buntung-hininga. "About that matter," sambit niya na ikinabaling sa kanya ng tingin ni Elyan. "Pwede ba tayong mag-usap? Also, gusto ko rin sanang humingi ng pabor sa 'yo." Nagkasalubong ang dalawang kilay ng dalaga kasabay ng paniningkit ng mga mata nito. Hindi kalaunan ay gumuhit ang nakakalokong-ngiti sa mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD