Elyan's POV "Elyan, nabalitaan mo na ba?" Siko sa akin ni Malea. "Kalat na kalat na sa buong campus." "Ang alin?" sabat naman nina Jessica at Lorea. Humugot si Malea ng isang malalim na hininga at hindi kalaunan ay muli ring nagsalita. "Si Prof. Yugi raw magre-resign na," anito na ikinatitig naming tatlo sa kanya. "Ang totoo nga ay dapat next week pa ang Acquiantance Party natin pero dahil sa biglaan niyang announcement ay bukas na gaganapin 'yon." "Kailan daw siya aalis?" tanong ni Jessica. Saglit na napaisip si Malea. "Base sa sinabi sa akin nina Rico at Billy, this Saturday daw." Hindi lamang ang dalawang kaibigan ko kundi maging ako ay nabigla sa impormasyong ipinarating sa amin ni Malea. I wasn't expecting to hear anything like this. Kung tutuusin ay napag-usapan na namin

