Panay ang iling ni Yugi habang inaalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Elyan kagabi. Kulang nalang ay murahin niya ang kanyang sarili dahil sa kalokohang ginawa niya. He wasn't supposed to do that. He was supposed to be Elyan's tutor until she's ready to handle their company. Mali ang ginawa niya. Maling nagpadala siya sa kanyang kagustuhan na masolo ang dalaga. Dapat hindi siya pumayag kahit na anong pilit sa kanya ng nobya. Dapat hindi siya pumayag kahit na malinaw sa kanilang dalawa na pareho nilang gusto ang nangyari sa pagitan nila. Pero kung tutuusin, pakiramdam niya ay nasa alapaap pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari sa kanila ng nobya. Magmula pa man kagabi ay hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti. Is he happy because he finally got what he wants? Masa

