Kenzo Vergara "KENZO," pagtawag ni Jaycee sa 'kin. Nahinto naman ako sa pagpapagpag sa damit ko at hinarap siya. "Kumusta na pala 'yong paghahanap mo? Do'n sa alam mo na." Out of the blue, biglang natanong ni Jaycee 'yon. Napasinghap ako ng malalim. "Ganoon pa rin. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghahanap. 'Di ko nga alam kung bakit nahihirapan ako. Kahit sa social media, hindi ko siya mahanap." "Baka kasi, hindi pa kayo nakatakdang magkita. O baka sign na 'yon na baka oras na. Oras na para pagbigyan mo naman ang ibang taong nagmamahal sa 'yo." she stated seriously. "Alam mo naman na hindi ko kayang gawin 'yon, Jaycee. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Kate. Kahit gaano pa kahirap ang paghahanap sa kanya, kahit gaano pa katagal ang hintayin ko para makita siya, kahit an

