Kate Evangelista Kumakain na kami ng almusal ni Jude ng makarinig kami ng kumakatok sa pintuan namin. Hindi na ako naghinala kung sino 'yon dahil isang tao lang naman ang kilala kong kaya akong puntahan ng ganitong oras. Tumayo kaagad ako at nagtungo sa pintuan para buksan ito. I knew it. It was him, Mark. "P'wedeng makikain?" he happily said, raising his right hand where he handed me the food he bought. "May magagawa pa ba ako? Inabot mo na sa 'kin 'tong plastic. Halika ka na at kumakain na rin naman kami ni Jude." Pumasok at nagtungo na kami pareho sa kusina kung saan naghihintay si Jude. Kinuhaan ko ng isang plato si Mark at ipinagtimpla rin siya ng kape. Hinain ko na rin 'yong pagkaing dala ni Mark at hinayaan silang dalawa kumuha ng kakainin nila. Naupo ako sa harapan nila dalawa

