"Anak, wala ka bang balak kausapin si Nj?" Sabi ni Mama habang naglalagay sa prutas sa mesa. Mamayang hapon ay makaka uwi na ako, uubusin na lang ang dextrose ko. Tulala lang ako sa kawalan, alam ko din naman simula na gumising ako pinupuntahan ako ni Nj, nagpupumilit na maka usap ako pero syempre ayaw ko, bilin pati sa'kin ng Doctor na wag ako masyadong magpaka stress at baka mapano ang baby ko. Bumuntong-hininga ako at saka sinulyapan si Mama. "Wala na po kaming pag uusapan pa." "Wala ka bang plano na sabihin sa kaniya na buntis ka?" Tanong ulit ni Mama habang naka upo sa kama ko at pinagkatitigan ako. Tinignan ko siya. "He don't deserve the truth, Ma." "Pero anak-" "Ma." sabi ko na para bang pinapatigil ko siyang mangulit about doon. "So, what's your plan?" "Sasama ako kay Da

