CHAPTER 10

3533 Words
Grae     Sabay kaming bumaba ni Alfie galing sa kwarto. Hindi pa nakakauwi sila Lizette at Cholo mula sa trabaho. Nasa kusina ako ngayon habang nagi-isip ng pwedeng maluto nang biglang bumukas ang pintuan.   It was Cholo. May bitbit siyang ilang supot ng grocery. Agad ko siyang dinaluhan pero inilayo niya lang sa akin ang mga bitbit niya. Natatawa pa akong nakipagmatigasan sa gusto kong mangyari pero sa huli’y nagpaubaya na ako.   “Ang kulit naman ng buntis na ’to, kaimbyerna!” palatak niya.   Nanlaki ang mga mata ko and I immediately put my index finger on my lips, telling to lower his voice because Alfie’s on the bathroom!   Natutop niya ang kanyang bibig. “Ay bakit?”   Tinuro ko ang direksyon papuntang banyo. “Nandiyan si Alfie. Baka mabuking ka. Gusto mo ba ‘yon?”   He grimaced and cleared his throat. “Bakit hindi mo sinabi agad?” He said in his masculine voice. Dinala niya ang mga groceries sa kusina at inilapag niya iyon sa mesa.   I giggled. Sinundan ko siya roon. Isa-isa kong inilabas mula sa plastic bag ang mga napamili habang siya’y dumiretso sa kwarto niya. Paglabas niya’y nakapambahay na siya’t tinulungan ako sa pagsasalansan.   “Ano’ng gusto mong almusal?” he asked me in a low voice.   May nahagip akong mga gulay kanina sa supot. Nang makita ko ang gulay na gusto kong kainin ay inilabas ko ‘yon at inumang sa kanya.   “Tortang talong.” Nakangiti kong sinabi sa kanya.   Ngunit unti-unting nalusaw ang ngiti ko nang nakita ko siyang ngumiwi. “Bakit?” I asked.   “Talong talaga? Hindi ka pa ba sawa sa talong ni Alfie?” aniya.   Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. This vulgar gay! Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Instead of answering him back, ipinalo ko ang hawak kong talong sa kanyang pisngi.   “Aw! d**k slap?” maarte niyang sinabi.   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong binitawan ang talong at madiin ko siyang kinurot sa tagiliran. He flinched hard and shouted from the stinging pain of it. Umalingawngaw sa kusina ang malakas niyang tawa. It sounded like a real man’s laugh. Para na kaming naghaharutan kung titingnan. Dinig sa buong kabahayan ang tawa naming dalawa pero napatalon ako sa gulat ng marahas na bumukas ang pinto galing sa banyo.   I saw Alfie’s piercing stares towards Cholo. Agad akong nakaramdam ng pagkaalarma nang mabilis niya akong lapitan ngunit ang matatalim niyang titig kay Cholo ay hindi niya tinanggal. I alerted myself and just looked at him. Mahirap na’t baka magpang-abot ang dalawang ito rito. Baka maumbag ng wala sa oras ang baklitang ‘to.   “What’s going on here?” malalim niyang sagot. Bumaling siya sa akin. But unlike his gazes to Cholo, tinapunan niya ako ng malambing ngunit nagtatanong na tingin. “Hon?”   I waived my hands. “Wala! Nagbibiruan lang kami ni… Cholo.” I smiled at him. But that didn’t convince him. Cholo cleared his throat. Pareho na kaming nakatingin sa kanya ngayon.   “Dito na kayo mag-almusal. Magluluto lang ako.” Cholo said.   “No, thank you. Aalis na kami ni Grae ngayon.” Bumaling ulit sa akin si Alfie. “Right, honey?”   Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. “Dito na lang muna tayo, hmm?”   “No, Grae. Get yourself ready. We’re living now.” He said with finality bago siya pumanhik sa hagdan.   Naiwan kaming dalawa ni Cholo sa kusina. Nagawa pa naming magsisihan dahil sa nangyari.   “Akyatin mo na sa taas. Magluluto lang ako ng almusal natin. Sigurado namang hindi ka iiwan niyan kapag sinabi mong ayaw mo talagang umalis ‘di ba?”   I shook my head. “Hindi ko alam, eh. Pero…” I raised my left hand and show to him my ring. I smiled at him mischievously habang inaangat-angat baba ko ang aking mga kilay.   Namilog ang kanyang mga mata at saka kinuha ang kamay ko. “Seryoso ba ‘to?” gulat na sinabi niya. Sinipat-sipat niya ang engagement ring ko. “Tunay nga!” aniya.   “Gracielle!” Sigaw ni Alfie sa akin mula sa taas. Nataranta ako sa tawag niyang iyon. Binawi ko agad ang kamay ko kay Cholo at nagmadaling sumunod kay Alfie.   “Huy mag-ingat ka!” Saway niya sa akin.   Nang marating ko ang kwarto ko, nadatnan kong nakatayo si Alfie sa bintana habang nakahilig ang kanyang dalawang kamay roon. He looked like he’s thinking deeply. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at mukhang iritado.   Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya sa kanyang likuran. Hindi nagbago ang kanyang posisyon ngunit malalalim ang kanyang paghinga.   “Alfie…” malambing kong tawag sa kanya.   Hindi niya ako inimikan. Nanatili siya sa kanyang pwesto. I pouted. Alam kong hindi niya nagustuhan ang nadatnan niyang akto naming dalawa ni Cholo. Wala naman sa akin iyon dahil walang malisya sa pagitan naming dalawa.   Pero hindi niya alam ang tunay na s****l preference ng kaibigan ko. Ang alam pa niya’y naging boyfriend ko pa siya.   Isiniksik ko ang sarili ko sa kanyang harapan. He groaned when I insisted to huddle myself in front of him. Kalaunan ay umatras niya para bigyan niya ako ng espasyo roon. I wrapped my arms on his neck kahit halos tumingkayad na ako sa tangkad niya. His hands automatically landed on my waist.   “Ang sungit mo naman…” paglalambing ko sa kanya.   He gave me his coldest stares at saka ibinaling muli ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Hindi niya ako sinagot sa sinabi ko.   I tried harder. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Mabilis niya akong nilingon. I smiled at him sweetly. Nagtagal ang tingin niya sa akin. I even saw his jaw clenched before he looked away again.   Aba. Ayaw bumigay, ah? Tingnan natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo, Alfonso.   “Baby…” tawag ko sa kanya. Pero ganon pa rin ang ginawa niya. Tiningnan lang ako tapos iniwas lang ulit.   I’m starting to piss off. Pero hindi ko pa rin siya sinukuan.   Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. This time, inihilig ko na ang ulo ko sa kanyang matipunong dibdib.   “Ang arte mo, Alfonso.” I murmured. I made sure he’ll not hear it pero matalas ang kanyang pandinig.   He sighed. “I’m your fiancée now, Grae. You already chose me.” He said.   Tiningala ko siya habang nakayakap pa rin sa kanya. “You blackmailed me.” Pagtatama ko. Pero hindi ako nagsisising pumayag ako sa alok niya.   “Tss. Nagsisisi ka ba? Just a pep talk with your ex and you changed your mind?” he scoffed with full of sarcasm.   Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. Masyado akong namangha sa mga naiisip niya. This is beyond normal. Hah! His words are driving with so much jealousy!   Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung matatawa ako o tatahimik na lang. There’s a part of me that’s warming because he’s jealous when someone hovers around me. Pakiramdam ko, inaangkin niya ako ng buung-buo.   Naputol ang pagi-isip ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko’t iginiya ang tingin ko sa kanya. I saw how worried he is now. Magkasalubong na ngayon ang kanyang mga kilay.   “Grae? Don’t tell me you changed your mind?”   I scoffed at him. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin at tuluyan na akong tumawa. He looked at me weirdly pero I kept laughing.   “Baliw ka! How could you ask me that? I can't even remember telling you that I regret surrendering myself to you. Tapos tatanungin mo ako kung nagbago na ang isip kong pakasal sa’yo? You’re crazy.” Umiiling-iling pa ako habang nakakalma na sa pagtawa.   “So… you’re still going to marry me?” marahan niyang tanong sa akin.   I scratched my head when I heard his questions. Mukhang ayaw pa ring maniwala sa mga sinasabi ko.   “I’m true to my words, Alfie. I will marry you. Unless…” I trailed off. Muli kong naalala ang nakakainis na mukha ni Venice habang kinakalantari niya ang lalaking nasa harapan ko.   “Unless what, babe?”   Hinarap ko siya. “Ayoko nang maulit ‘yong nangyari sa opisina mo kahapon.” Seryoso kong sinabi sa kanya.   Nagkibit-balikat siya. “That’s easy. I will not let Venice go to my office if it’s not about work---“   “At sa kahit kaninong babae, Alfie.” pagpuputol ko sa kanya.   Tumaas ang kanyang kilay. “Of course, hon!”   I moved closer to him. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga. I tiptoed just to reach it.   “Ako lang ang gagawa sa’yo no’n, Alfie.” I sensually said. I saw how his Adam’s apple moved when he gulped. I smirked. I know my effect to him every time I act and speak possessively.   Lumayo ako sa kanya at humawak sa kanyang balikat. Banayad ko iyong pinasadahan gamit ang mga palad ko. “Selosa ako.” I confessed.   It’s true. Noong nakita kong may bumeso sa kanya sa bar noong hinanap namin siya para sabihin ang tungkol sa kalagayan ko, halos magbuga ako ng apoy dahil sa matinding selos.   Nag-enjoy naman na siya sa pambababae bago ako dumating sa buhay niya kaya siguro naman ay sapat na iyon para sa akin naman niya ibuhos ang buong atensyon niya. Sa aming dalawa ng anak niya.   He smirked this time. “I’m all yours, hon. How many times do I have to remind you about that? Or…” his fingers trailed on my neck. I felt ticklish. “Do we still have to make love again para---“   Hinawi ko ang kamay nya sa aking leeg. “Tigil-tigilan mo nga ako, Alfonso! Katatapos mo lang humirit ulit kanina! Iba pa ‘yong kaninang madaling araw. Umayos ka.”   He barked a loud laugh. “Fine. I’m sorry, ‘kay? Just can’t get enough of you, hon. I can’t get enough of you.” Tuluyan na niya akong niyakap. He nuzzled his nose on my neck.   “Dito na tayo kakain, okay? Nagluluto na si Cholo ng almusal.” I said.   “I can cook for you, too. Or let’s go to a restaurant. What do you want to eat?” Malambing niyang tanong sa akin.   Umiling ako. “Dito na lang. Please?”   “Why do you insist on staying here? He’s your ex.” Aniya. His irritation towards Cholo started to rise again.   I sighed. “Pocholo is a dear friend, Alfie. I wish you could know him better.” I said in a small voice.   “Tsk. Friend? Hindi iyon ang nakarating sa akin.”   “Stalker ka talaga. Come on. I want you to behave. Haharap tayo sa hapag.” I took his hand and dragged him downstairs. Hindi na siya pumalag at nagpatianod na lamang sa pag-hila ko sa kanya.   Nadatnan naming naghahain na si Cholo. Nakauwi na rin pala si Lizette. Hindi ko namalayan ang kanyang pag-uwi.   “Oh, nandyan na pala kayo. Kain na! Kakatukin ko na sana kayo eh.” Zette told us. She looked at me mockingly.   Lumabi lang ako sa sinabi niya. I know this woman. May iba siyang ipinapahiwatig sa mga salita at titig niya sa akin.   Bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko nang magkaharap-harap kami sa hapag. Matalim at malalim na tingin pa rin ang ibinibigay ni Alfie kay Cholo while Lizette is the talker among us. Siguro ay para maitaboy lamang ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaking ito. Cholo remained cool at nakikisali rin sa usapan habang ako, nago-obserba lang sa mga kilos nila.   I enjoyed my breakfast with them. Ang tagal kong hindi naranasan ‘yon. Being with them for years, nakakapanibago na hindi ko na sila ulit nakasabay sa hapag simula ng pinatira ako ni Alfie sa poder niya. Masaya rin naman sa condo niya pero hinahanap-hanap ko rin ang presensya ng mga kaibigan ko.   After we ate, nag-ready na rin kami ni Alfie para umalis at umuwi sa unit niya. Binilisan ko na lamang ang maligo dahil nakabantay siya sa labas ng banyo. Bitbit niya ang damit na pamalit ko. Ligong-pato na lang nga yata ang ginawa ko dahil ayoko siyang paghintayin doon ng matagal. Maliligo na lang siguro ako pag-uwi namin.   “Take care of yourself, Grae.” Paalala ni Lizette sa akin. Hinatid niya kaming dalawa ni Alfie sa gate. Cholo already slept. Marahil ay napagod sa duty.   Tumango ako. “Salamat sa pagpapatuloy sa akin kagabi.”   Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Wala ‘yon! Dito ka rin naman nakatira, eh!” natatawa niyang sabi sa akin. She held my hands. Natigilan siya ng maramdaman kong nakapa ng kanyang mga daliri ang singsing ko. Mabilis niyang inangat iyon at sinipat.   “Ano ‘to?” kunot-noong tanong niya sa akin.   Lumapit si Alfie sa aking tabi. He snaked his arms on my waist. “We’re engaged now.” Nakangiting sabi niya.   Impit na tumili si Zette. Natutop niya ang kanyang bibig habang nagtatatalon dahil sa excitement na ibinalita ni Alfie sa kanya.   “Omg! Congratulations!” bati niya sa amin.   I giggled at her reaction. Niyakap ko siya at binulungan. “Magku-kwento ako. Huwag kang mag-alala!” alam kong hindi niya ako titigilan hangga’t hindi niya nalalaman ang nangyari.   Gumanti siya ng yakap sa akin. “I’m so happy for you. Uy! Pakakasal na siya sa crush niya!” tudyo niya sa akin.   Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hindi ko na iyon mababawi dahil sa lakas ng kanyang boses, batid kong narinig iyon ni Alfie! Hindi naman malayo ang distansya ng pagitan namin.   Lizette turned to Alfie. “Baka may kapatid ka pa, Alfie! Ireto mo naman ako para maging kasing swerte ko naman itong kaibigan ko!” she jokingly said.   Tumawa lamang siya sa tinuran ng kaibigan ko. Kinamot niya ang kanyang kilay. “Well, Lucas just graduated and Martin…” he shrugged his shoulders. “I don’t know… Mukhang may pinopormahan na rin.”   Natawa rin siya sa kanyang isinagot. “Joke lang naman ‘yon!” she said.   When I looked at him, I saw how he pursed his lips to hide a ghost of smile on his face. Nakapamulsa siya ngayon. Nang magtama ang tingin naming dalawa, he just smirked at me.   Binabaybay na namin ang daan pauwi sa condo niya. Inaantok ako pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Si Alfie naman ay nagda-drive lang pero ramdam ko ang ease sa kanyang awra. May patapik-tapik pa siya sa kanyang manibela. Kung minsan ay sinasabayan pa niya ang mga kanta na naka-play sa radyo.   Buti na lang at weekends. Makakapagpahinga ako ng matagal. Nakarating na kami sa unit niya. Mabuti na lamang at hindi ganoon kabigat ang trapiko. Wala na rin naman akong halos kailangang gawin dito sa unit niya dahil may nagpupunta rito araw-araw para maglinis.   Tinungo ko ang mahabang sofa. Nahiga ako roon. Hinayaan ko ang aking sarili na malunod sa lambot niyon. It’s making me feel comfortable. Nakuha ko pang mag-unat doon.   Naupo rin si Alfie sa sofa na iyon, sa bandang bahagi ng baywang ko. The sofa is huge and I’m small kaya kahit maupo siya, magkakasya kaming dalawa.   “Tired?” he asked. Hinarap ko siya at saka umiling.   “Nangawit lang siguro ako.” Wika ko.   “You want massage?” he offered.   “Marunong ka?”   Nagkibit-balikat siya. “I can try. You’ll be the judge.”   I looked at him sharply. His lips rose when he saw my reaction. “What?”   “Masahe lang, ah? Baka kung saan-saan na naman dumapo ‘yong mga kamay mo.”   He laughed. “Please, Grae. You’re becoming a perv.” Naiiling na sabi niya.   We spent our whole day together in his condo. Lumabas lang kami kinabukasan para magsimba at mag-grocery. Nagpadala rin ako kila Papa ng pera. Alfie insisted again that he’ll take care of them but I refused. Hangga’t kaya ko, ako pa rin ang tutulong sa pamilya ko.   “Let’s talk to them, honey.” Alfie said one night when we were in his balcony. Nakatunghay kami sa ganda ng siyudad habang nakaupo kaming dalawa sa isang malaking couch.   I sighed. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain sa pamilya ko ang kalagayan ko ngayon.   “Are you scared?” muli siyang nagsalita. I nodded unconsciously.   He snaked his arms on my waist, hugging me from behind. He gently lifted me para makaupo ako sa kandungan niya.   “I’m with you. I’ll explain everything to them.”   “Madi-disappoint ko sila, Alfie.” malungkot na sabi ko.   He kissed my shoulders. “Let me take care of everything.”   Bumaling ako sa kanya. “Eh ikaw? Hindi ko pa nga kilala ang pamilya mo.” I said in a small voice.   Bumaling ulit ako sa balkonahe. Dinamdam ko ang lamig ng simoy ng hangin   “Papa will come home next month. I’ll set a meeting for everyone so they can meet and know each other.” Aniya.   Tumango ako. “Ikaw ang bahala.”   “But I want to talk to your family, Grae. I want to get their blessings for us.” He said seriously.   Tiningnan ko siyang muli. Punung-puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. The intensity of his stares brings me so much emotions. It’s overwhelming my whole system.   I nodded. “Kakausapin ko sila. Just give me time, Alfie.”   He caressed my face and gently kissed me on my forehead. Kahit ang mga halik niya sa akin, punung-puno ng pagmamahal.   “Hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko tungkol sa’yo.” He said huskily.   Kumunot ang noo ko. “Ang alin?”   He pinched my small nose. “That you had a crush on me.”   “Ah.” Tumawa ako sa sinabi niya. Saka ko lang naalala ang pambubuking ni Lizette sa akin noong nakaraan.   “So… is it true?”   “Ano sa tingin mo?”   He shrugged. “That’s why I’m asking you. So is it true?”   I laughed. “Ayokong sabihin! Nakakahiya!”   He tickled me on my sides. Para akong bulateng pumapalag sa pangingiliti niya sa akin.   “Alfie!” I said while laughing! Ang lalaking ito! Tuwang-tuwa pa sa pangingiliti sa akin. Ang lutong ng mga tawa niya.   “Answer me, Grae, so I’ll stop this!” natatawang sabi niya.   Paano ako sasagot kung halos mapugto ang hininga ko dahil sa kakatawa’t kakapalag? Nakakapanghina ang ginagawa niya sa akin!   “G-ganyan din ang ginawa mo no’ng…” I stopped from talking to catch my breath. “Nag-propose ka eh!” kumapit ako ng mahigpit sa kanyang mga braso at buong lakas kong itinulak iyon para makawala sa yakap niya pero wala iyong silbi. Lalo niya lamang hinigpitan ang hawak niya sa akin.   Pero hindi siya nakinig sa akin. Tuloy lang siya sa pangingiliti habang pareho kaming nagtatawanan. Ayoko na! Suko na ako. Nanghihina na ang katawan ko sa kakatawa.   “Oo na! Crush kita no’ng college!” bulalas ko sa kanya. Awtomatikong tumigil siya sa pagsundut-sundot sa tagiliran ko at yumakap sa akin. Pareho kaming hinihingal dahil sa ginawa niya. I can feel my sweat on my forehead and on my neck.   He settled his face on my sweaty neck. I flinched at bahagyang lumayo sa kanya dahil sa hiya ko. Pero hinila niya lamang ako ulit at idinantay na ang mukha niya sa aking leeg   “Pawisan ako, Alfie.”   “I don’t mind. I love your scent.” Malalim ang kanyang paghinga   Hindi ako sumagot dahil abala rin ako sa paghabol ng paghinga ko.   “When did you start crushing on me?”   “2nd year college. Hindi ko na masyadong matandaan kung paano nag-umpisa.”   “I was on my 5th year, then.” He said.   “Oo.” Tanging sagot ko.   “And now, you’re marrying me.” He sensually said.   I giggled. “Ano’ng iniisip mo? Dream come true ito, ganoon ba?”   He renewed our position. He put my arms on his neck while his hands supported my back and my thighs so I won’t fall.   “It’s my dream that came true, Grae.” At saka niya ako masuyong hinalikan sa aking labi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD