♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ THERE were five voice mails from my mother. Iyon kaagad ang bumungad sa'kin pagkarating ko sa bahay. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mag-leave ng voicemails gayu'ng sinasagot ko naman siya tuwing tumatawag siya sa cellphone ko. Honestly, she was weird sometimes. Being inside my house, my comfort zone, felt so good. Nakahinga ako ng maluwag. The past of few days of meeting and interacting with my readers was a tough job for me to do. Hindi ako sanay na nakikisalamuha sa maraming tao. Hindi lang iyon...meeting Trevor after so many years drained my energy. Hinayaan ko lang ang maleta ko sa isang side ng kwarto ko at diretsong humiga sa kama. I closed my eyes and breathed deeply. "Kaya ko 'to," I told myself. Tatapusin ko lang ang docum

