♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ MY BREATHING hitched. Our proximity was intoxicating. Nagkatitigan kami habang magkalapit ang mga mukha. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya which made my heart beat faster than normal. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang reaction ko. Si Trevor lang 'to, I reminded myself. Hindi ko kailangang makaramdam ng kakaiba na para bang kinikilig ako. Wala naman akong gusto kay Trevor. Hindi ko siya type. Mabilis akong tumayo na parang nakuryente. Tumalikod ako sa kanya at huminga ng malalim. May nakita akong water dispenser sa loob ng office at kumuha ako ng tubig do'n tsaka paracetamol na nasa bag ko. Palagi kasi akong may dalang gamot sa bag ko kasi pabagu-bago ang panahon, prone tayo sa sakit. "Uminom ka muna ng gamot," sabi ko at i

