♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ EROS finally made a decision. Mags-stick ang banda namin sa mga lively and upbeat songs. Pero pwede rin naman daw kaming mag-play ng sad and cheesy lovesongs paminsan-minsan, depende sa okasyon. Kaso hindi talaga namin pwedeng gamitin ang sinulat kong kanta dahil masyado raw iyong malungkot para maging original song ng band. Okay lang naman sa'kin. Naintindihan ko ang desisyon ni Eros dahil ipinaintindi naman niya iyon ng maayos sa'kin. Ang nakakainis lang, Trevor gave me a mocking smile. Pakiramdam ko, sa loob-loob niya, pinagtatawanan niya ako. Napakasama talaga ng gago! "Break muna, Luke. Sasabog na ang brain cells ko," reklamo ni France habang nag-aaral kami sa library para sa chapter exam namin bukas. "Yeah, I think I need a break too. I'm s

