Animo'y bigla na lang akong nag- walk-out sa kawalan. Hindi ko na dininig pa ang mga sinabi nila at sa halip ay tumakbo ako nang tumakbo sa kabila ng mataas na takong na hindi ko iniinda.
"Sab, wait!" Isang pamilyar na boses ang nakapagpatigil sa akin. At nang magtama ang aming mga mata ay tila hindi ko alam ang gagawin, para bang bumalik ang kirot dahil sa hindi niya panliligaw sa akin noon. Para bang daig ko pa ang babaeng iniwanan dahil ipinagpalit ako sa iba. At ang katotohanan na hanggang ngayon ay siya at siya pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko. All of a sudden my eyes turns into tears, I felt that this is the worst moment of me. Knowing him behind me but the most pathetic part is that, I still have sparks on him which is the only reason of still hoping. "Sab, let's talk p-please.." Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa wrist ko dahilan para mabigyan siya ng pagkakataon para makaharap sa kaniya. Hindi na nagtaka ang itsura niya nang makita niya ang mata kong may bahid ng luha.
Hindi maitatangging dala-dala ko pa rin ang sakit na idinulot niya last four years ago.
"Para saan pa, Toph? Para ipamukha sa akin na hindi talaga ako ang ideal girlfriend mo noon pa? How could you make me feel that way?! Are you happy of making me paranoid about this?!"
"No, Sab. That's a big NO! I was looking for you for about two years. Dahil gusto ko kapag humarap ako sa'yo ay may napatunayan na ako sa sarili ko. Gusto ko buong-buo ako, at heto ako ngayon, handang tanggapin ang lahat ng salita mula sa'yo.. 'cause I deserve this, for being a so-cold-hearted person previously, but then, I've realized that what is the value of my success if you're not mine." Napalunok ako ng ilang beses sa huling salitang sinabi niya.
"Bakit mo sinasabi 'yan? Do you think that after all these years, after the heartache that you had done, ay magiging okay na ang lahat? Bakit ha?!" Tinulak-tinulak ko ang dibdib niya and apparently, I felt became compassionate of all the words I said.
"I'm so sorry.. I'm so sorry for all the pain that I have done to you, Sab. Lahat 'yon ay pinagsisisihan ko na.. I hate watching you like this. The only words that I can say is I'm really sorry.." Halos manghina ang buong sistema ko sa sinabi niya. Ang pinaka-ayokong salita na marinig noon pa ay ang huling sinabi niya.
Habang paulit-ulit ko siyang sinusuntok sa dibdib ay unti-unting gumagaan ang dibdib ko. Lahat ng nabuong sakit sa loob ng ilang taon ay tila nailabas ko sa isang iglap. I may be the most sadist person but I wanted to express it on my own. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ang mga braso niyang nakayakap sa akin. His perfume that odorous for the mean time could make me wonder how lucky that I am with him. Paulit-ulit ko siyang itinutulak habang ang puso ko naman ay walang tigil sa pagtibok.
"s**t! What's happening here?!" Parehas kaming napalingon sa dumating. Napabitiw sa akin si Topher at tila nailang kaming magkatinginan sa isa't isa.
"Travis," pagsambit ni Topher sa kaniyang pangalan. Nakita ko ang kaunting paggalaw ng kaniyang adam's apple at ewan ko ba pero parang mas lalo siyang naging cool. “Hayaan mo na muna kami, bro.”
Napailing lamang si Travis. "Pero pinapahanap kayo ni Tita Shine. P'wede bang sa ibang araw na lang kayo mag-usap?" Halos hindi kami makapagsalitang dalawa.
Bakit nga ba namin ninanakaw ang sandaling ito?
“Akala ko ay hindi ka na makakapunta, bro!” ani Topher at napabuntong-hininga ako nang sandaling lumapit si Travis para akbayan si Topher. Doo’y sandali naman niyang pinabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Okay, kung aalis kayo para makapag-usap, magpaalam kayo ng maayos kay Tita Shine, this is her wedding.. nakakahiya naman kung basta na lang kayong aalis."
"No," sagot ko kaya sandali silang napalingon sa'kin. "Hindi na, wala naman na kaming pag-uusapan pa. Tara na sa loob." Umiwas ako sa tingin ni Topher at naramdaman ko na lang ang pagsunod nila sa akin at habang naglalakad ako ay bigla kong naisip na.
Why would I treated him like this?
Bakit ko hinayaang maputol ang sandaling alam ko na gumagaan ang pakiramdam ko?
Sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may makababangga ako sa ilang bisita.
"I'm sorry." Ayan na naman ang salitang ayokong marinig pero sa huli ako pa talaga ang magsasabi.
"Sab, okay ka lang ba?" Bungad sa akin ni Laarni nang makabalik ako sa table namin. Tila wala naman nangyari nang lingunin ko si Topher na masayang nakikipag-usap kina Travis at Dave. "I hope you're enjoying this day?" dagdag pa niya habang inaabot sa akin ang isang baso ng tequila. Kapagkuwa'y mabilis ko iyong ininom na para bang wala ng bukas.
Natatawa lang si Laarni habang pinagmamasdan ako.
"I can't believe na ganiyan ka na kalakas uminom, ha?"
Napangisi ako at sinabi, “Damn it, one more p-please..” Natawa siyang muli at iniabot sa akin ang baso na may lamang alak. At sa pangalawang pagkakataon ay bago ko pa man lagukin iyon ay may brasong pumigil sa akin.
"Ano ba--" At natigilan ako nang makitang siya na naman ang nasa harapan ko.
"Wait, I smell something argument here. May excuse me." Tila kakaibang tingin ang ibinigay sa akin ni Laarni bago pa man siya umalis at naiwan kaming magkaharap ni Topher.
"Bakit mo ba ako p-pinapakialamanan?! Wala kang karapatan para pigilan ako sa gusto ko!" Halos pumiyok na ako sa pagkakasigaw ko. OA na kung OA pero ito talaga ang nararamdaman ko.. nasasaktan ako.
"Sab, can you please calm down?" Hinawakan niyang muli ang wrist ko dahilan para matigilan ako at sandaling magtama ang aming mga mata. At napabitiw siya nang mapagtanto na halos lahat ng mata ay nakatingin na sa amin. Tumayo siya at dali-dali akong hinila sa kung saan. Medyo masakit man ang pagkakahawak niya sa akin ay tila nagugustuhan ko 'yon.
Nadatnan namin si Tita Shine na nakikipag-usap sa ilang bisita.
"Ah, Tita Shine, excuse me po," sabi niya at naagaw naman agad ang atensyon ni Tita.
"Oh Topher and Sab, bakit?"
"I wish you had a great day, tita, pero kailangan na po namin umuwi ng asawa ko." Pagkasabi niya no’n ay mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin nang sabihin niya 'yon. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya habang ang mga mata naman ni Tita Shine ay halos ngumiti sa pagkakatingin sa amin.
"Oh, it's okay, hijo. Anyway, thank you for coming. Nakapagpaalam na rin ba kayo kay Hanna?"
"Hindi pa, kindly regards na lang po kami, tita."
"Salamat po ng marami, tita," dagdag ko pa. Lintek 'tong lalaki na 'to at nakapagsinungaling tuloy ako kay Tita ng wala sa oras!
"Okay, mag-iingat kayo." Nagbigayan naman kami ng ngiti sa isa't isa.
Agad naman din kaming nakapagpaalam kina Dave, Travis at Laarni gayong wala pa rin doon si Hanna.
Saan kaya ang babaeng 'yon?
Ayaw pa nga sana akong pauwiin ni Laarni pero ito kasing si Topher ay kung anu-anong pinagsasabi.
Halos magsigawan kami nang makarating kami sa parking area. Dali-dali niya akong pinasakay sa ford niyang kotse na tila isang biktima ng panghoholdap.
"Ngayon, mag-usap tayo, Sab. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo!” Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang kotse at agad naman akong kinabahan sa ginawa niya.
Hindi ko alam na ang sandaling ito ay pagtatagpong muli ng landas namin at hindi ko alam kung anong nais ipahiwatig ng mga binitawan niyang salita sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero tila ba may kung anong parte sa akin na nagugustuhan ko na magkasama kami ngayon..