MAKALIPAS LAMANG ang isang linggo matapos ang selebrasyon ng ikatlong buwan naming magkasintahan ni Topher ay hindi ko inaasahan ang matutuklasan ko sa aking sarili. Kasalukuyan akong tumitingin ng mga damit sa isang boutique nang bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo at para ring umiikot ang paningin ko. Dahil doon ay napatigil ako at sandaling inilibot ang tingin sa paligid. Habang natigilan ay bigla naman akong nakarinig ng boses mula sa isang saleslady doon. "Miss okay ka lang?" Napatango ako at dali-daling umalis. Sinubukan kong kuhanin ang aking cellphone upang i-dial ang numero ni Topher subalit halos mabitawan ko iyon nang mapagtanto na tila nandilim ang paningin ko. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at sa pagdilat kong muli nito ay hindi ko inaasahan

