WALANG TIGIL sa pagtunog ang cellphone ko nang makaakyat ako ng kuwarto. Mabuti na lang, linggo ngayon at makakapagpahinga rin dahil rest day ko. At sa totoo lang ay masyado akong nai-i-stress sa pagiging makulit ni Toph! Paano ba naman kagabi..
Flashback..
"Ano na, Sab? Ibibigay mo ba o ibibigay ang number mo?" pangungulit niya sa akin bago niya pa man ako ibaba, nagpresinta kasi siyang ihatid ako.
"Wala na ba'ng ibang choice? E, parehas lang 'yon!" Sumilay ang ngisi sa labi niya.
"Para walang kawala," sabi niya sabay kinindatan ako. Napakagat tuloy ako sa labi ko nang wala sa oras. Hays! Mabuti na lang at bagay sa kaniya dahil-- g'wapo siya.
Napabuntong hininga pa ako bago sumagot, "O, sige na.." Agad kong kinuha ang cellphone niya at tinype roon ang numero ko.
"Thanks," aniya at matamis ang ibinigay niyang ngiti sa akin.
Napairap ako. "Para number lang?"
"Number?" Natawa siya. "It's just not a number, Sab, maybe it's only a way to check you out everytime." Napatitig siya sa akin habang dahan-dahan niyang inaalis ang seatbelt ko at nagkalapit ang mga mukha namin kaya hindi maiwasang manlaki ang mata ko. At bago niya pa man ilayo ang kaniyang sarili sa akin ay doon lang siya muling nagsalita, "Is there any worries from you?" Napailing ako at dahan-dahan niyang inilayo ang kaniyang sarili sa akin. Pero bakit iba ang nai-imagine ko?
"Stop it, Sab, it wouldn't happen," bulong ng aking isipan.
"Okay ka lang? Gusto mo ba na samahan pa kita sa loob?"
"Ah-- no, I'm okay, better to leave you now, take care! Thanks again," sabi ko at kaagad din akong nakalabas.
"Sab." Natigilan ako sa pagtawag niya pagkaapak pa lamang ng isang paa ko sa may lupa.
Napataas ako ng kilay nang sandali akong lumingon sa kaniya. "Ahm, yes?"
"I love you." Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kailan niya huling sinabi sa akin no'n na mahal niya ako.. kahit pa alam ko sa sarili kong walang kasiguraduhan 'yon, noon. "Ang sakit naman na malaman na walang response," sabi pa niya habang seryosong nakatingin sa manibela.
Ano nga ba kasing sasabihin ko? Thank you? I love you too?
"Ah--"
"Sige na, I have to go.." sabi niya at kahit medyo nasasaktan ako dahil sa tingin ko ay na-disappoint ko siya ay isinara ko na lang ang pinto ng kotse niya at hinintay na makaalis siya bago pa man ako pumasok sa loob.
End of flashback..
At ngayon, iniisip ko pa rin kung paano ko siya haharapin bukas. Hays!
At halos mapapikit ako nang mapagtanto na kanina ko pa hindi nasasagot ang tawag niya na hindi ko alam kung pang-ilan na.
"O, thanks, Sab! Mabuti naman at sinagot mo na," sabi niya mula sa kabilang linya, mahahalata sa boses niya ang pagkainis.
"O, e, bakit napatawag ka?"
"I want to see you." Bumilis sa pagtibok ang puso ko matapos niyang sabihin 'yon.
"What? A-as in now na?" My, god! Hindi pa ako nakakapag-ayos!
"Yes, is it okay with you? Don't worry, pupuntahan kita riyan."
"Toph!"
"Why?"
Tila hindi ako mapakali sa aking inuupuan. "Basta, h'wag na-- magkita na lang tayo.. o-one hour! Just give me one hour.. please?" nauutal na sabi ko. Pero paano ko ba siya haharapin?
"Okay, see you, love."
"Love ka riyan!" sabi ko at natawa siya mula sa kabilang linya.
"Pinapatawa lang kita, masyado ka kasing masungit!"
"Pwe!" Pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang linya at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.
Mabilis akong nakapag-ayos ng sarili. Tila nakaramdam ako ng excitement na makita siya. Sa totoo lang ay nabo-bored talaga ako rito sa apartment na inuupahan ko, kaya medyo thankful ako kay Topher dahil niyaya niya akong makipagkita.
T-in-ext ko na siya kung saan kami magkikita pero wala akong na-received na reply mula sa kaniya. Medyo nainis ako sa kaniya dahil feeling ko ay mukhang pinapaasa niya na naman ako. Pero, ilang saglit pa ang lumipas ay may kumatok at hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin.
Muntikan na akong mapatulala sa kaniya at mabuti na lamang dahil agad kong napigilan ang kapusukan ng mata ko.
"Toph? Bakit ka nagpunta rito? Hindi mo ba nabasa ang text ko?"
"Nabasa ko," sabi niya at mabilis siyang pumasok sa loob.
"Hey, hey, bakit ka pumasok? Hindi ba't aalis tayo?"
"Wala akong sinabing aalis tayo, ang sinabi ko lang ay gusto kitang makita," sagot niya habang may inilalagay sa lamesa.
"Ano naman 'yang mga 'yan?" tanong ko pero sa tingin ko ay mga pagkain.
"Pagkain siyempre, hindi ba p'wedeng mag-foodtrip kasama ka?" Ewan ko ba pero parang nagugustuhan ko ang mga sinasabi niya. Hindi ko in-expect na plano niya pala na makasama rin ako, hindi lang ang makita.
"Ayos ah! Bahay mo 'to?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"O, bakit? Sooner or later naman ay magiging boyfriend mo na ako."
Napairap ako sa kawalan kahit sa loob-loob ay napapangiti ang aking puso sa sinabi niya. "Ang lakas ng kompyansa sa sarili, ah?" nakapamewang kong sabi at binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Sinundan ko lang siya ng tingin kung saan ay nagpunta siya sa may salas at nang mahanap ang remote ay walang paalam na binuksan ang TV. Napaupo siya sa may sofa na para ba'ng asawa ko siya at naghihintay na paghainan ko.
"Love, may luto na ba?" Tila nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
"Ayan ka na naman, e. Akala ko pa naman nagpunta ka rito para makita ako-- iyon pala ay para asarin ako." Nag-crossed arm pa ako matapos kong sabihin 'yon. Pero hindi ko naman inaasahan ang gagawin niya dahil-- niyakap niya ako.
Bibitiw na sana ako pero mas lalo niya pa iyon hinigpitan, kaya tinanggap ko ang yakap na iyon at nang bumitiw kami sa isa't isa ay hindi naiwasang magtama ang mga mata namin. Inilagay niya ang kaniyang isang kamay sa bandang batok ko at siniilan ako ng saglit na halik sa labi. At ewan ko ba dahil tila inasahan ko na magtatagal ang halik na 'yon.
"Simula ngayon, p'wede ba'ng huwag ka nang mag-isip ng kahit anong negatibo.." Nakatitig siya sa mata ko habang binibigyan siya ng nagtatakang tingin. Saka dumako ang isang kamay niya sa mukha ko na kanina ay nasa bandang batok. "Dahil gusto kong malaman mo na lahat ng ginagawa ko ay para lang mapalapit sa'yo." Sandali pang nagtama ang mga mata namin at doo'y muli siyang nagsalita, "I like the way how much I love you, Sab.. after so many years.. it was still you. I love you, Sab.." halos pabulong niyang sabi habang tinititigan ang mata ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig. Nagtatalo ang puso at isip ko sa kung anumang maging consequences kapag umamin din ako ng aking nararamdaman. Alam kong naiisip ko pa rin kung paano niya ako sinaktan no'n at iniwan ng isang malaking katanungan. Ang sakit lang kapag nagawa kang i-ghost ng taong minahal mo noon at nagbabalik ngayon para bumawi sa lahat. Pero sadyang hindi ako nakaligtas sa mga titig niya na lalong nagpapabaliw sa akin.
At sa dala ng aking emosyon ay hindi na ako nakaligtas sa halik niya dahil sa sinabi ko, "Mahal pa rin kita, Toph... kahit masakit ang nakaraan natin ay napapalitan 'yon sa tuwing ikaw ang nagpapasaya sa akin." Agad na pumatak ang luha ko habang pinagsasaluhan namin ang halik na iyon. Mabagal at punung-puno iyon ng emosyon.
Sandali pa kaming napabitiw sa halik na iyon at pinagmasdan ang aming mga sarili.
"Masasabi ko na ba'ng.. akin ka na?" wika niya habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Siguro naman ay walang masama kung sasagot ako ng 'oo' dahil mahal ko naman siya at mahal niya rin ako. Kahit nag-aalangan ang puso ko na sumubok ulit sa kaniya.
At lumapad ang ngiti niya sa labi nang unti-unti akong napatango kasabay niyon ang isang yakap na mahigpit, 'yung tipong hinding-hindi na siya aalis sa tabi ko.