MATAPOS ANG rebelasyong nangyari sa tapatan namin ni Hanna ay hindi na kami muling nagkita. Matapos mangyari 'yon ay ayoko nang mangialam pa sa buhay niya dahil kagaya nang kagustuhan niya ay hahayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin sa kaniyang buhay. Tutal naman ay nagawa ko na ang parte ko. At sinisiguro ko na tapos na ang lahat sa amin bilang magkaibigan. Nakapagpasukat na rin ako ng salamin na hindi ko inaasahang mas tumaas pa ang grado ng mga mata ko at aabot ng four hundred ang grado ng kaliwang mata ko habang three hundred fifty naman ang sa kanang mata ko. Kaya pala ganoon na lamang ako kahirap bumasa ng mga sign board, maging ang aking paningin kapag gabi ay madilim na. Sa kabila ng pagiging spoiled ko sa pagmamahal ni Topher ay nanatili pa rin ang matamis na pa

