"Iyong totoo, bakit nakipaghiwalay si Few sa inyo?" "Ang sabi niya sa akin ay pagod na siya sa setup naming tatlo. Nagkaroon din kami ng hindi pagkakaintindihang dalawa." "Like what?" "Sorry but... I can't tell you," aniya sabay ngiti sa akin. Napatango-tango naman ako. Kapag pinilit ko pa ito ay mahahalata niyang may secret mission akong ginagawa. Tumayo naman ako at tinapik lang ang kaniyang braso. "You should hang out with her. Ikaw pala ang favorite niya..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil nahawakan niya kaagad ang aking kamay. "Tapos na ako kay Few. Wala na akong balak na habulin pa siya. Pagkakaibigan... iyon na lang ang mayroon sa amin." "Okay," tipid kong sagot. "Puwede pa rin naman kayong mag-hang out bilang magkaibigan," dagdag ko pa. "Seryoso ka ba talag

