"Cat!" pasigaw kong tawag sa kaibigan ko sabay pasok sa kaniyang opisina. Nahulog pa ito sa kaniyang kinauupuan dahil sa gulat. Masamang tingin na may halong pagkalito ang ibinigay nito sa akin. "What the hell, Key?! May balak ka bang sirain ang pintuan ng office ko at patayin ako sa gulat?" asik nito sa naiiritang tono. Nang mapansin siguro nitong may dala akong bad news ay biglang naging kalmado ang pagmumukha nito. Sinuyod pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kompleto ka pa naman. Wala ka ring bangas. So, what's wrong with you?" "You need to get me out of that place, please? Do something, Cat! Mababaliw ako kapag hindi mo ako tinulungang makalaya sa contract ko sa kanila. Isang buwan pa lang ako pero ang dami ng weird sa akin! Paano pa kaya sa mga susunod pang buwan, ha

