"What?! I'll shave her head, Keyza! Ang tanga mo para magpasampal at para hindi gumanti sa loser na iyon!" rinig kong sabi ng babaita. Napangiti na lang ako. Paniguradong may sabong na mangyayari sa department ni Few mayamaya lang. Bumalik na ang alas ko kaya mababawasan na ang bigat sa aking dibdib. Kaya buo ang tiwala ko kay Cat dahil ilang beses niya ng pinatunayan na totoo ang ipinapakita niya sa akin. She's my real friend in this chaotic world. She's always defending my name when I am not around and even gets revenge when I don't dare to do so. She's my person. She'll always be, and I'll do the same for her. "Oh, hey, Agent Key!" Parang gusto kong umatras nang makita sina Few at Road sa elevator. Wala rin naman akong pagpipilian kundi ang sabayan sila. Hindi ako nagpakita ng

