Kasalukuyang abala ako ngayon sa pag-aayos ng aking mga gamit dahil sa nalalapit na paglipat ko. Nakahanap na ako ng bahay malapit sa aking boutique, hindi man iyon kalakihan katulad nitong bahay dapat namin ni Mazer ay ayos lang tutal tatlo lang naman kami at hindi ko naman kailangan ng masyadong malaking bahay. Napahinto ako nang makita ko ang picture ko na nasa bahay ni Mazer. Nasa tabing dagat kami noon at siya mismo ang kumuha noon. Kinuha ko ito at pinasadahan ng aking palad ang malaking portrait ko. Ngumiti ako nang mapait at malakas na bumuntong hininga. Inilagay ko na lamang ito sa aking walk-in closet at iiwan na lamang ito. Wala akong balak dalhing gamit na magpapaalala sa aming dalawa ni Mazer. Ang kuwento namin ay tapos na at ayoko nang balikan pa ang mga sakit na idinulot n

