Chapter 1

382 Words
Mula nang mamatay si daddy wala na akong karamay sa bahay na ito, pati ba naman ikaw yaya esing iiwan mo na rin ako? Aba itong bata na ito kung ano ano ang sinasabi eh, magbabakasyon lang naman ang yaya,miss ko na kasi ang mga anak ko at mga apo iha. Yaya bumalik po kayo kaagad ha, ikaw lang po ang kakakampi at karamay ko dito. Si Mommy pinalitan agad si daddy, tapos dito pa tinira ang mga anak ng bago nyang asawa. Anak,intindihin mo nalang ang mommy mo, kailangan nya ng katuwang sa pagpapalago ng negosyo nyo, Bata pa naman ang mommy mo, maghahanap at maghahanap yan ng pagmamahal. At yan ay agad nyang natagpuan sa piling ng stepdad mo kay rigor. Ako kaya nanay kailan ni mommy mahalin? simulat sapol kasi hindi ko naramdaman na minahal nya ako. Hindi ba ako sasapat para huwag na syang mag asawa ulit. Hindi ko matandaan na niyakap nya ako or inalagaan kapag may sakit, si daddy lang ang laging nasa tabi ko. Anak hindi ko din alam kung bakit ganyan ang mommy mo sayo, siguro mas may malalim sya na dahilan iha. Esing ito na ang huli mong sahod, nandyan na rin yung bayad sa tagal ng serbisyo mo sa amin. Salamat. Ma'am? Magbabakasyon lang ako pero hindi ako aalis,babalik pa ako nangako ako sa alaga ko. Nay Esing malaki na si yngrid hindi na nya kailangan ng yaya, at medyo may edad ka na rin, mas kailangan ka ng mga apo mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya,mas mabuting huwag ka nang magpaalam, para hindi na sya mas lalong masasaktan. Pero ma'am Amanda, kawawa naman ang alaga ko, tiwalang tiwala sya na babalik pa ako, mahal na Mahal ko ang batang yan ma'am. Nay Esing hindi ko kailangan yang pagmamahal mo para sa anak ko, mas lalong lumalayo ang loob nya sa akin kapag nandito ka. Ma'am kayo ang lumalayo sa kanya, ilang beses ko nang narinig sa alaga ko na never nyang naramdaman na minahal mo sya bilang isang anak. Mahal ko po ang anak ko nay esing, hindi ko lang masyadong maipakita sa kanya yun dahil nandyan ka palagi. Pero mahal ko ang anak ko, kaya mas gusto kong wala ka muna dito para makapag bonding kaming mag ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD