Pagkababa ko ng taxi ay lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating agad sa entrance ng hospital. Magtatanong na sana ako sa information desk kung saang kwarto na confine si Nick nang bigla kong marinig ang pagtawag sa akin ni Catherine. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Nasaan siya? Okay lang ba siya?" Nag-aalala kong bungad na tanong sa kanya. "Honestly, hindi ko rin alam kung okay na siya. Ang alam ko lang inilabas na siya sa operating room. Hindi ko rin matanong si Alex masyado dahil alam kong sobra siyang nag-aalala kay Nick." Paliwanag nito sa kanya. "Gusto ko siyang makita." maiyak -iyak na sabi ko sa kanya. Mukha itong nag-isip bago nagsalita. "Ano kasi, Maddy. Nandoon ang mommy at daddy ni Nick. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila, lalo ng mommy niya kapag nakita k

