5. Laro sa Kama

1098 Words
Nagising ako sa isang unfamiliar room. Inilibot ko agad ang tingin ko sa paligid. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Bigla akong kinabahan. Unti-unti akong napabangon at nakita kong wala akong saplot sa katawan. Tanging bedsheet ang nagtago sa aking katawan at para hindi ito lamigin. Ngayon ko palang naaalala ang ginawa kong desisyon at ginawa kong pagsang-ayon sa kanya na gawin ito. Ginusto ko itong mangyari sa akin, walang pumipilit na gawin ko ito sapagkat ang kahirapan na mismo ang nagtulak sa akin para pasukin ko ang bagay na ito. We did it last night. Pinangako niya sa aking bigyan ng pera ngayon. May nararamdaman akong sakit mula sa aking katawan. Ayaw ko nang maaalala ang ginawa namin ni Whyth. Sana nga at hindi ko na 'yon maaalala. Kahit na hindi ko pa iisipin 'yon, patuloy na pumapasok sa akin isipan ang aming ginagawa. Damn it! Kalimutan mo na 'yon self. Inilibot ko muli ang tingin ko sa paligid. Hindi ko nakita si Whyth dito. Tanging nakita ko lang ay ang mga saplot na nagkalat sa sahig. Since wala pa si Whyth, dali kong inalis ang bedsheet na nagtago sa aking katawan. Napatayo ako at naked na ako. Napatayo akong parang may nawala na sa akin. May nawala naman talaga sa akin. Damn. Kinuha ko na lang ang mga saplot ko at agad na itong sinuot bago pa man ako makita ni Whyth na nakahubad. Inayos ko ang aking sarili. Handa na ako sa aking pag-alis. Panigurado akong nag-aalala na sa akin si Inay ngayon. Hindi ko ito dapat na sabihin sa kanya. Sorry Nay, pero kailangan kong magsinungaling sa inyo sa ngayon. "This is all for you," tanging sambit ko sa sarili ko. Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pintuan. Iniluwal nito si Whyth. Nakasuot na ito ng longsleeve na naka tucked in sa kanyang trouser. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa ngunit agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa aking mukha. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Hindi ko gustong makita ang kanyang mukha sapagkat maaalala ko ang aming ginawa. "Mabuti naman at nagising ka na," panimula niya sa akin. "Aalis na ako. Hinahanap na ako ngayon ng aking ina. Alam kong nag-aalala na 'yon sa akin kung bakit hindi ako umuwi," sabi ko sa kanya. Sinubukan kong iangat ang aking tingin sa kanya saka ko nakita ang kanyang mga titig. Damn that kind of stare. He stared at me like that when we do it last night. Damn! Naaalala ko na naman. Sana lang talaga at nakatulog si Inay nang maayos. Alam ko namang hihintayin niya talaga ako bago pa man siya makatulog. Sabi niya sa akin noon, hindi siya makakatulog hangga't hindi kumpleto ang kanyang anak sa bahay. Hindi niya maiwasang mangamba, baka may mangyari. "Sige Sir. Uuwi na ako." Bago pa man ako tuluyang makaalis mula sa aking kinatayuan, bigla na naman siyang nagsalita. "Damn it! I told you to not to call me sir!" pasigaw niyang sabi sa akin. "Just call me Whyth!" Napalunok ako. "Sorry Whyth. Hindi na 'yon mauulit," nasabi ko nalang sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita ko itong may kinuha mula sa kanya bulsa. Isang maliit na papel at agad din niyang ibinalik sa akin ang tingin. "How much do you need?" tanong niya sa akin at nagulat nalang ako sa kanyang sinabi. At alam ko naman kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "I know pinangakuan kitang bigyan kita ng one hundred thousand pesos, pero alam ko namang kailangan mo ngayon ng pera. Name a price." Napalunok ako. "Okay na sa akin ang one hundred thousand si-Whyth. Iyon naman ang pinangako mo sa akin na ibibigay mo sa akin," nasabi ko nalang sa kanya. This is not just for myself, but also for my family. Ilang sandali pa ay nakita kong may sinulat siya sa papel. Pagkatapos niyang isulat ay agad niyang inabot iyon sa akin. "That's a cheque worth three hundred thousand pesos and I think it's enough for the need of your family." Nagulat ako. Ang laking pera na doon. Pwede na akong tumigil sa pagtatrabaho at gawing puhunan ang kanyang ibinigay na pera. "Ang laki nito Whyth. Hindi ko naman sinabi sayo na ganito kalaki ang hihingiin ko," nasabi ko nalang sa kanya. "Okay na sa akin ang one hundred thousand." dugtong ko. "Just take it, damn it," seryoso niya. "Hindi lang naman ito ang huling pagkakataon na magkikita pa tayo. I'll see you next time and let's do it next time." "Whyth," nasabi ko nalang habang kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Damn it. Hindi ko naman hinahangad na pasukin ito, at kailan ma'y wala sa isip ko na pasukin ito. Pero ginagawa ko na ito, hindi ko na kailangan pang umatras. Pinasok ko na ito at kailangan kong matapos na agad ito. "At may kontrata na tayong ginawa." aniya at nagulat na naman ako. "Kontrata?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Sa pagkakaalala ko, wala naman kaming pinirmahan na kontrata. Paano kami nagkaroon ng kontrata? "Sa pagkakaalam ko, wala naman tayong pinirmahang kontrata. Unless you forced me to signed it." he said. Wala naman talaga akong naalala e. Napangiti siya. "Ang ginawa natin kagabi ang nagsisilbi nating kontrata." aniya "And because of that, you'll be mine. You'll be my bed warmer from now on." Bumuntong-hininga nalang ako. "Hanggang kailan ang sinasabi mong kontrata?" tanong ko sa kanya. "Hanggang kailangan kita," tanging sagot niya at agad siyang napabaling sa kanyang relo ngunit ibinalik niya rin kaagad ang tingin niya sa akin. "Aalis na rin ako. Hindi ka nalang ba sasabay sa akin?" Napailing nalang ako sa kanya. "Hindi na kailangan," Nasabi ko nalang sa kanya. Kinuha ko pa ang bag ko sa maliit na mesa at sinuot muli ang sandal sa aking paa. "Magko-commute nalang ako. Hindi ko din gustong may makakakita sa akin," dugtong ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ito at agad na akong lumabas mula sa hotel room na binayaran niya para gumawa lang ng isang milagro. Ano na nga ba ang magagawa ko e kailangan ko talaga ang pera. Gusto ko nalang umiyak dahil sa natura kong desisyon, pero kahit na akong gawin ko, alam kong hindi na maibalik pa ang pagkabirhen na nawala ko. Nandito na ako sa labas ng hotel at pumara kaagad ako ng jeep. May huminto at kaagad akong sumakay. I am now officially his bed warmer and I am going to take this role for the sake of the family, even if I regret it, hindi na ako pwedeng umatras pa sa natura kong desisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD