Kabanata 26 Hindi pa rin mawawala sa isip ko ang sinasabi sa akin ni Sierra. Hindi ako ang dapat na i-blame dahil hindi natuloy ang kasalan nila, si Whyth 'yon. Haist! Sierra, bakit 'yon naman ang naisipan mong sasabihin sa akin? Napakamalaking imposible 'yon. Damn it. Napamahal na nga ba sa akin si Whyth? Sigurado ba siya sa kanyang sinabi sa akin? Ang gulo. Gusto kong umiwas sa gulo pero sila naman ang kusang lumapit sa akin. Yawa Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa isang maitim na sofa dito sa loob ng bar sa resort ni Gustav. May red and green laser sa rotating lights sa ceiling. Maraming tao ang sumasayaw sa tugtog ng musika. Nakaupo lang ako sa tabi ni Whyth habang sa kabilang tabi ni si Sierra. Uupo sana sa tabi ko si Khan pero umangal naman si Whyth kaya walang nagawa si Kha

