Kabanata 21 "I knew it!" sigaw ni Gustav. "Alam kong hindi mo matitiis ang kapogian ko at pupunta ka talaga sa resort namin." maligaya niya pang sabi. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang isipan ni Whyth at pupunta siya sa resort ni Gustav. Mabuti na nga 'yong sumama siya para malayo muna siya sa lahat ng problemang kinakaharap niya dito at para na rin makakapunta rin ako sa resort ni Gustav. Hindi ko lang alam kung papayag si Whyth. Baka iiwan niya lang ako dito. "And Aeneas, I'm sure you would come." ani Gustav sa akin. "Sinabi na ni Whyth na sasama siya at aasahan ko ring sasama ka diba?" nakangiti pa niyang sabi sa akin. Napatingin lang ako kay Whyth to have his aproval. Baka pag sinabi kong sasama ako, hindi niya naman ako papayagan. Ilang sandali pa ay napatango ito sa ak

