Kabanata 14 "Why did you go out?" panimula niyang tanong sa akin. Alam ko naman kapag may sinabi ako sa kanya e hindi niya ako pinaniniwalaan. Parang siya palagi ang tama at ako naman ang palaging mali. Wala naman kaming relasyon e, bakit siya nagkakaganito. Gusto ko din sana siyang tanungin kung bakit niya kasama si Sierra doon sa mall pero hindi ko na ba nagawa pa. Alam kong sasabihin na naman niya sa akin na wala akong karapatan para tanungin siya. Ganon din naman siya sa akin palagi. Sino naman siguro selos ang tawag sa aking nararamdaman sa kanya sa ngayon? Haist. Kailan ma'y hindi ako magseselos sa kanya. Wala akong maisagot sa kanyang sinabi sa akin. Napayuko nalang ako at ipinako ang tingin sa paa ko. "Bakit hindi ka sumasagot?" tanong niya muli. "Kasama mo na naman si Khan?

