Kabanata 41 Maulap ang kalangitan habang bumibiyahe pa kami. Palayo na kami sa mismong siyudad at halos mga puno nalang ang aking makikita at wala nang matataas na buildings. May madadaanan kaming palayan at masasabi ko talagang papunta kami ng probinsiya. "Malapit na tayo." sabi niya lang sa akin habang bahagya na niyang iniliko ang kanyang kotse sa isang iskinita. "There's no internet connection here." sabi niya pa sa akin. "Oh?" "Ang ganda nga, walang makakadistorbo sa atin." nakangiti niyang sabi at pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho hanggang sa hininto niya lang ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. "We already arrived." sabi niya sa akin. Agad kaming bumaba habang bumungad sa amin ang isang bahay na gawa sa kawayan. May dalawang cottage sa gilid habang may pool ito s

