ALLESTAIR POV Mga 20 minutes ang byahe namin ni King bago marating ang napakagarang restaurant. Inalalayan akong bumaba nito bago ibinigay sa lalaking naka-uniporme ang susi saka kami gumayak papasok sa loob. Sa labas palang ay kitang kita na ang karangyaan ng lugar, there's a touch of modernized and spanish architecture seen in the building. Nanliliit tuloy ako sa sarili, feeling ko ay gusto ko ng bawiin ang sinasabing date ni King, ngunit mahigpit ang hawak nito sa kamay kong nakaangkla sa braso may niya. "Good evening ma'am and sir! Welcome to El Grande restaurant." Masayang bati sa amin ng babaeng nakatoka sa may pinto. Kada pumapasok at lumalabas na costumer ay binabati niya. "Good evening. I reserved for the special room under the name Vinomous." Pormal na bati ni

