ALLESTAIR POV Sa matagal naming pagkakatitig sa isa’t isa ay saka lamang ako natauhan ng magsalita siya. How I missed him calling me wife. That warm feeling started to consume me again, he walked fast near me and was about to grab me but it was too late. Tumakbo ako ng mabilis, wala ng lingon lingon pa, ang gusto ko ng pagakakataong iyon ay lumayo sa kanya, ang hindi siya makita para hindi makalimutan yung mga sakit na pinagdaanan ko sa haba ng taon na hindi ko siya kasama. Natatakot akong bumalik ulit ako sa dating ako, ang Mystie na uto uto at gustong gustong magpaloko. Ayoko na ulit pagdaanan iyon. “Wife! Wait!” he shouted. Alam kong tumakbo din siya para habulin ako pero huli na at nakalabas na ako, hindi na ako nabigla sa presensiya ni Klein na naroon, hindi maipinta a

