Nang makaalis si Zane sa opisina ay agad niyang pinuntahan si Jack. Kausap nito si Daniel ngunit mataktikang lumabas ng silid dahil alam nitong may kailangan silang pag-usapan ni Jack. She felt sorry for his brother. Pero tila maluwag naman nitong tinanggap na wala na sila ni Jack. "I need to ask you some questions, Jack. I hope you don't mind." Nanatili lang siyang nakatayo habang nakasandal ito sa executive chair. "I know what you're going to ask, Selena, and yes, sinabi ko sa asawa mo na may relasyon tayo." "Why? Hindi mo ba alam na pinahamak mo akong lalo kay Zane? Sa halip na ako ang mag-akusa sa kanya ng pangangaliwa, it’s the other way around now." "He wants you back, Selena. Sa tingin mo papayagan ka naming bumalik sa kanya?" "Ako ang magpapasya no’n, Jack, please lea

