Sa isang restaurant sa Mall of Asia na sila ngkita ni Daniel dahil nag aalala ito na baka gabihin siya sa pagbalik sa mansyon at hahanapin siya ng anak. Ngayon niya napagtanto ang bigat na dinadala ng kapatid na pilit nitong tinago kanina. Gusto niyang manatili sa tabi nito ngunit kailangan din nilang magkaayos ni Zane. "Kumusta ka? Ang Mama? Alam din ba niya?" Sunod-sunod niyang tanong. "Hindi pa.. And Papa doesn't want her to know." "Kailangan nyang malaman, Daniel. Mahirap, oo. Pero sooner ay malalaman din niya. And they can go to Amerika or anywhere, you can afford the best doctors, bakit parang tinanggap nyo na ang taning na ibinigay ng doktor?" Six months ang sinabi sa kanila at kahit siya'y hindi niya mapaniwalaan iyon. It's too painful to handle. "Ilang beses ko nang kinumbins

