"Gusto nang bumalik ni Papa sa Malaysia, Zane, hindi na maganda ang kundisyon niya." Napalingon siya kay Selena habang nagbibihis. Araw-araw ay hinahatid niya ito sa Ortigas kahit gaano pa karami ang trabaho niya sa opisina. Dalawang bwan na mula nang maglabas masok sa ospital si Fredrick. "Anong ibig mong sabihin?" "Gusto niyang sa Malaysia na mamalagi. And I want to be with him, Zane, kahit man lang sana ihatid siya sa Malaysia. Then we can visit him from time to time." Hindi siya sumagot bagama't alam niyang maliit na bagay lang naman ang hinihingi ni Selena. Hindi niya alam kung kaya niyang muling malayo dito kahit pa ilang araw lang. "Pagusapan natin sa ibang araw yan, Selena." Wika niya sabay labas ng silid at tinungo ang sasakyan sa garahe. Sa loob ng sasakyan ay wala silang imik

