Nagulat si Ezekeil nang kinabukasan ay maaga ang kapatid na kumatok sa kwarto niya. Nang makita ang kanyang anak na si Ethan na masarap pa ang tulog ay nanlambong ang mga mata nito. Umupo ito sa gilid ng kama at sinuklay ang buhok ng kanyang anak. "My kid is almost his age. At malapit ko na siyang makita Zek." "Really?" Manghang tanong niya. "Paano? Nahanap na ba ng mga imbestigador?" "Ipinatigil ko na kanina ang paghahanap ng mga imbestigador. They're useless. Nasa paligid ko lang pala ang Jack na iyon pero hindi ko alam." "What do you mean?" "It was a coincidence that Margaux knew who Jack Kanar was. He was one of the stockholders of Rusco Corp. Zek. Nang isa isahin ko ang mga pangalan ng mga shareholders ay nakita ko ang pangalan niya." "Bakit hindi siya active sa mga m

