Kinabukasan ay maaga ang lahat sa opisina ng Rusco Corp. sa Ortigas. It was her first time to actually see its office at nagulat din siyang nakahanda na ang sarili niyang silid. Makalipas ang isang oras ay nagdatingan na ang ibang members of the board at ipinakilala siya bilang bagong VP for Operations. At dahil shipping lines ang hawak niya ay naatasan si Jack na siyang magti train sa kanya dahil ang hawak ni Daniel ngayon ay ang airline company pansamantala in the absence of Fredrick na bigla nag-desisyong magbabakasyon. Sa kabila ng pag-amin ni Daniel sa relasyon nila ngayon ni Jack ay tila wala namang nagbago sa pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Kahit siya ay hindi nakaramdam ng pagkailang kay Jack. Her brother was right, matanda na sila pare-pareho para harapin ang ganoong p

