Alas nueve nang umakyat silang mag-ina sa kwarto dahil nakatulog na rin si Jayzee sa sofa habang nagbabasa siya ng magazine sa living room. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano matutulog ngayong gabi gayong wala siyang pagpipilian kundi ang tumabi kay Zane sa kama kaya nag basa-basa muna sya sa baba, umaasang pag-akyat niya'y tulog na ang asawa. Kumakabog ang dibdib niya habang paakyat ng hagdan karga ang anak na tulog na. Nasa kalagitnaan na sila ng lumabas naman si Zane na tila naiinip na sa pag-akyat nila. Dagli nitong kinuha ang anak sa kanya at hindi sinasadyang dumikit ang kamay ni Zane sa dibdib niya. She ignored his gaze at nagpauna sa pagpasok sa kwarto. Inilapag ni Zane si Jayzee sa kama nito na talagang pang isang tao lang. She sighed in desperation. Nagtanggal ng

