MARIANNE “Anong ginagawa niya dito?” sabay na tanong ni Libby at Gene habang nakatingin sa akin. Kahit ako ay hindi ko rin alam. Mula sa pinagtataguan namin ay kitang-kita ko ang lalaking bumaba sa may patrol ng pulis. Hindi kami nagkakamali dahil siya talaga ang nandito ngayon. “Ano ba ang ginagawa niya dito?” wala sa sarili na tanong ko. “Yun rin ang tanong namin sa ‘yo,” sabi ng mga ito. “Sa tingin ko ay kailangan ko ng umalis,” sabi ko sa kanila. “Tara na,” sabi sa akin ni Libby at siya na mismo ang humila sa akin. “Kami na ang bahala dito,” sabi ni Gene. “Thank you,” sabi ko sa kanila. “Ako na ang magmamaneho ng motor,” sabi sa akin ni Libby. “Okay,” tanging nasabi ko. Mabilis akong umangkas sa motor at si Libby na ang hinayaan ko na magmaneho. Habang pauwi kami ay sobrang

