MARIANNE “Yanne, stop!” Narinig ko na sigaw ni Libby kaya naman napahinto ako sa dapat na gagawin ko. Kumunot pa ang noo ko dahil nandito silang dalawa. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa kanya. “Please, ‘wag mong gawin ito.” pakiusap nila sa akin. “Bigyan niyo ako ng dahilan para makinig ako sa inyo,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Mali i–” “Mali? Mali ito? At anong tama? Ang hayaan siya na maging malaya after niyang patayin ang daddy ko?” tanong ko kay Gene. “Alam namin na nasasaktan ka pero makinig ka naman sa amin. Huwag kang maging katulad nila, nakikiusap kami sa ‘yo. May tamang proseso at pagbabayaran niya ang ginawa niya kay tito,” sabi niya sa akin. “Tamang proseso? Saan? Eh nakalabas nga siya eh,” sabi ko sa kanila dahil galit ako. Hindi ko alam kung paano ba siya nakal

