MARIANNE Inayos ko ang salamin ko sa mata dahil ay hidden camera ito. Magagamit ko habang nakikipag-usap ako sa lalaking ‘yon. Binura ko na rin ang makapal kong makeup para naman makilala niya kung sino ba ang kausap niya. Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng silid kung saan niya ako kakausapin ay nakayuko lang ako pero binilang ko na kung ilan ang tauhan niya na nagbabantay sa kanya. “Pasok na, kanina ka pa niya hinihintay,” sabi nila sa akin. “Sorry po,” sabi ko dahil hindi naman talaga ako matagal, masyado lang silang atat. Binuksan nila ang pintuan at pinapasok na nila ako. Nakaupo sa may sofa ang boss nila. “Ikaw ba ang bago dito?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Opo, ako po.” “Ang sabi nila sa akin ay ikaw raw ang may pinakamataas

