MARIANNE “Baby, isa pang banggit mo ng matanda. Paparusahan kita dito, aangkinin kita dito at wala akong pakialam kahit pa may makakita sa ating dalawa,” sabi niya sa akin. “Hindi ka na mabiro,” sabi ko sa kanya. “Baby, gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. Matanda na ako para maglaro pa ng apoy at isa pa baka multuhin ako ng daddy mo. Ayaw ko pang sumunod sa kanya,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako. “Takot ka bang multuhin ni daddy?” pabiro na tanong ko sa kanya. “Medyo, mas takot ako na umalis ka. Mas takot na mawala ka sa buhay ko. Gusto ko na nasa tabi kita, Yanne. Gusto kitang makasama,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. “Ako rin, gusto rin kitang makasama.” Mabilis niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan niya ang labi ko na siya namang tinugon ko. Han

