MARIANNE “Okay, fine! Payag na ako, umalis ka na.” pagsuko ko sa kanya dahil ayaw ko naman na sumama ang loob ni Anica kapag hindi siya umalis ngayon. “Alis na ako, baby.” sabi niya at hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis. “Halik ka ng halik, nakakainis ka!” sigaw ko sa kanya pero lumingon lang siya sa akin na may malawak na ngiti. “Tsk!” asik ko sa kanya. “Nakita mo ba ‘yun, daddy? Hinalikan ako ng siraulo mong kaibigan. Multuhin mo kaya siya,” parang ewan na kausap ko sa puntod ng daddy ko. Hanggang sa natawa na lang din ako sa sarili ko. Naiinis ako sa ninong ko na hinahalikan ako at pinapaasa ang puso ko dagdagan pa ng kaibigan ko na siyang may pakana ng lahat na ito. Kaya naman mabilis ko siyang tinawagan pero hindi man lang niya sinasagot ang tawag ko sa kanya. Alam na

