MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko s

