MARIANNE Kahit pa pinipigilan ako ang kaibigan ko na ‘wag na niyang itanong ay talagang tinanong niya. Hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy ni Ayra na ginawa niya para iwan niya ang mag-ama niya. Ano man ang dahilan niya ay wala na akong balak na alamin pa. Ayaw kong maawa sa kanya dahil hindi nga siya naawa sa anak niya. Hindi nga niya naisip ang magiging epekto kay Anica nang ginawa niya. Nakakalungkot lang na sana siya ang magprotekta sa anak niya ay siya pa ang gumawa ng dahilan para masaktan ito. Ngayon ko naisip na sarili lang niya ang tanging mahalaga sa kanya. Kahit pa sinasabi noon ni Alden na walang pakialam ang mommy niya ay pinilit ko pa rin na intindihin niya ito. “I miss you, baby.” nakangiti na sabi ko dahil miss na miss ko na si Alden. Alam ko na hindi ko dapat ito g

