MARIANNE “Yanne, puwede ba akong humingi ng pabor?” tanong na naman sa akin ni Ayra tungkol sa pabor. “Anong pabor?” tanong ko sa kanya. “Umalis ka dito,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko. “Aalis ako? Bakit?” tanong ko sa kanya. “Dahil sa tingin ko hangga’t nandito ka ay hindi magiging malapit sa akin ang mga anak ko,” sagot niya sa akin. “Sorry po, pero hindi ko naman po kasalanan ang bagay na ‘yan. Kaya bakit po ako aalis?” “Please, hayaan mo ako na—” “Hindi po kita kayang pagbigyan sa nais mo. Pumayag ako na tulungan ka sa mga anak mo. Kung talagang gusto mo na umalis ako dito ay kay ninong mo sabihin ‘yan. Dahil ang higpit niya sa akin. Hindi nga ako pinapayagan na lumabas,” sabi ko sa kanya. “Mommy, kung ayaw mo po na magalit ako sa ‘yo ay ‘wag mo pong idamay si Ate Yanne

