MARIANNE Para akong ewan habang hila-hila ko ang maleta ko. Ewan ko ba kung ano itong naisip ko. Bakit ko ba sinunod ang payo ng dalawa kong kaibigan? Bakit pa ako umuwi dito? Kinakabahan ako habang nakatayo dito sa labas ng bahay niya. Sa bahay ni ninong ko. “Ma’am, dito ka na po ba ulit?” tanong sa akin ng tauhan niya. “Parang ganun na nga, kuya.” sagot ko sa kanya. “Naku, sure ako na matutuwa si mayor. Pero nasa loob ang ex-wife niya. Kararating lang,” sabi niya sa akin. “Sige po, pasok na po ako sa loob.” sabi ko sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Gusto ko sanang dalhin ang motor ko dito pero babalikan ko na lang ‘yon. Itatago ko na lang para naman hindi makita ni ninong. Magagamit ko ‘yon kapag gumala ako sa gabi. “Ate Yanne!” nakita ko ang malawak na ngiti

