MARIANNE Nagising ako sa ingay ng phone ko. Hindi ko alam kung sino ba ang tumatawag sa akin. Inaantok pa kasi talaga ako. Pero dahil sa maingay ay hindi ko rin naman maitiis. Nang silipin ko kung sino ay bigla na lang nawala ang antok ko dahil si ninong ang tumatawag sa akin. Bigla akong kinabahan dahil baka alam niya na magkatabi kaming dalawa kagabi at ginapang ko siya. Baka hindi talaga panaginip ang tingin niya sa nangyari sa aming dalawa. Ayaw kong sagutin dahil kinakabahan talaga ako. Nagmamadali pa naman akong lumabas sa room niya kaninang madaling araw para lang hindi niya ako mahuli na nasa tabi pala niya ako natulog. Nawala na ang tawag kaya naman nakahinga na rin ako ng maayos. Pero nagulat na naman ako dahil bigla na naman siyang tumawag. “Ano ba ang kailangan mo? Bakit

