MARIANNE Nagising ako na nakahiga dito sa hospital bed. “What? Hospital bed? Bakit ako nandito?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko inaasahan na nandito ako ngayon sa hospital. “Gising ka na, anak.” Bumungad sa akin si Mama Anna. “Mama, bakit po ako nandito?” tanong ko sa kanya. “Nawalan ka ng malay kanina. Mabuti na lang at kararating ko lang, kaya dinala na kita agad dito.” sagot niya sa akin. “Anong oras na po ba? Baka po nagsisimula na ang dinner,” sabi ko sa kanya. “Maaga pa, anak. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. “Medyo nahihilo na lang po ako, mama. Pero maliban doon ay okay na po ako.” “Normal lang ang nararamdaman mo, anak.” nakangiti na sabi niya sa akin. “Po? Baka po na sobrahan lang ako sa trabaho at–” “Siraulo talaga ang anak ko. Binuntis ka muna

