THIRD PERSON POV “Nasaan si Galiling?” pasigaw na tanong ni Ayra sa iba niyang katulong. “Nasa room po siguro niya, Madam. Hindi pa naman po siya lumalabas simula kanina,” sagot ng mga ito. “Tawagin niyo, tawagin niyo!” sigaw niya sa mga ito. Mabilis naman na sumunod ang mga ito. Mabilis silang pumunta sa room ni Galiling at kumatok sila ng ilang beses pero walang sumasagot. “Madam, hindi po siya sumasagot.” “Buksan niyo, mga tanga!” galit na sigaw ni Ayra sa mga ito. Mabilis naman na binuksan ng mga ito ang silid ni Galiling at malinis ang buong silid. Wala na ang mga gamit nito. “Madam, malinis na po ang silid niya. Mukhang umalis na po siya,” sabi nila sa boss nila. Mabilis naman na pumasok sa loob si Ayra at nakita niya na wala na ang gamit ng babae. “Galiling…!” galit na si

