THIRD PERSON POV Sa bahay ni Ayra ay hindi na siya mapakali. Sobrang nag-aalala siya dahil nahuli na si Romell. Hindi niya alam kung sino ba ang susunod, kung ang pamilya ba niya o ang iba pa nilang mga kasabwat. Kanina pa siyang papunta-parini. Lakad siya ng lakad sa loob ng room niya. Kailangan niyang tawagan ang daddy niya. “Hello, dad. Nahuli po si Romell,” sabi niya. “What?” “Opo, ngayong umaga ko lang po nabalitaan,” sabi niya sa ama niya. “Ang lahat ng mga kailangan ng transaksyon mo ay itigil mo muna. Wala munang kikilos sa atin at baka sumunod tayo sa lalaking ‘yon. Ang hard drive, itago mo ng mabuti. Kailangan na hindi ‘yan makita sa bahay natin, dahil kung hindi ay katapusan na nating lahat.” sabi ng ama niya. “Aayusin ko ito, dad.” “Dapat lang, dahil sa kapalpakan mo n

