MARIANNE “Anong ginagawa mo dito?” “Nandito ako para magtrabaho, at isa pa bahay ito ng kuya ko. May problema ka ba?” tanong ni Arthur kay Libby. Bigla na lang sumimangot si Libby. Ako naman ay nakatingin kay Sir Val pero nagkibit balikat lang siya. Na para bang wala siyang explanation sa ginagawa niya. Talagang pagsasamahin niya ang dalawang ito sa iisang bahay. Jusko baka biglang magkaroon ng riot. Pero ano nga ba ang gagawin ko eh kapatid ito ni mayor. “Libby, kapag may ginawang kalokohan ang kapatid ko ay sabihin mo lang sa akin.” sabi ni ninong sa kaibigan ko. “Sasabihin ko talaga, sa mukha nito. Ito ang mukha na hindi puwedeng pagkatiwalaan,” sabi niya kaya bigla na lang kaming tumawa ni Gene. “Sorry,” sabay rin naming sabi dahil nga nakatingin sila sa amin. “Excuse me, para

