MARIANNE Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. Nang makarating na kami sa bahay ay nakangiti pa akong bumaba sa sasakyan. Pero biglang naglaho ang maganda kong ngiti. Sana talaga ay hindi muna ako lumabas sa kotse. “Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili ko. Nakakunot ang noo at nakasimangot. Iyan ang bumungad sa akin kaya nawala ang maganda kong ngiti. Nandito ang ninong ko kahit pa ang sabi nila ay maaga itong pumasok sa city hall. Nakatayo siya sa may pintuan at mukhang inaabangan niya talaga akong umuwi. Ako naman itong parang gusto na lang tumakbo palabas ng gate nila o ‘di kaya ay umakyat sa bakod para lang makatakas sa kanya. Alam ko kasi na mag-aaway na naman kaming dalawa. “Bakit mo ako sinuway? Bakit ka lumabas?” malamig na tanong niya sa akin. “

