MARIANNE Masakit ang katawan ko pero maaga pa rin akong gumising. Napalaban ako kay ninong kagabi, napalaban sa kama. Oo marupok ako dahil sumuko na naman ako at hinayaan ko na naman siyang angkinin ako sa paraan na alam niya at sa paraan na nais niya. Gusto ko ng bumangon pero bigla naman niya akong niyakap. Tapos ang himbing ng tulog niya ngayon. Ang gwapo rin talaga ng gurang na ito. Wala akong maipintas sa kanya pagdating sa looks niya. Inaasar ko lang siya pero kahit na malapit na siyang mag forty ay gwapo talaga siya at may magandang pangangatawan. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako bumangon dahil kailangan kong asikasuhin si Alden. Nagbihis ako dahil wala akong damit. Hinayaan ko na lang si ninong at lumabas ako. Sinigurado ko na naka-lock ang pintuan ko bago ako naglakad p

